Featured Programs
TAPATAN, sisimulan ng SDO Imus
Division Information and Action Officer

Layong mas makapaghatid ng de-kalidad na serbisyong alinsunod sa mandato ng Departamento, isasagawa ng Schools Division Office of Imus City ang kauna-unahang Talakayan at Panayam para sa Angat at Tapat na Aksyong Napapanahon (TAPATAN) sa 35 pampublikong paaralan simula mula Pebrero hanggang Marso.
Binigyang-diin ni OIC-Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes M. Panganiban na sa bisa ng TAPATAN, mas mabubuksan ang linya ng komunikasyon at mas mapalalakas ang relasyon sa pagitan ng mga stakeholder ng paaralan, school heads, at mga kawani ng Dibisyon.
“Our goal is for everyone to have one heart, one vision and one direction in fulfilling our ultimate dream—and that is to produce holistic learners. TAPATAN encapsulates this goal,” paliwanag ni SDS Panganiban.
“Matutukoy din sa TAPATAN ang estado ng mga programa at proyekto sa mga paaralan, maging ang mga strengths, gaps, at iba pang kaugnay na detalye tungkol dito na siyang magiging basehan para sa pagbibigay ng angkop at napapanahong technical assistance,” dagdag pa niya.
Sa inilabas na Division Memorandum No. 24 noong Enero 16, ang bawat paaralan ay pinaghahanda ng 10-minute presentation na naglalaman ng school key performance indicators (KPIs), targets, actual accomplishments, sustainability and intervention programs, gaps, at mga hinihiling na technical assistance.
Ayon naman kay Jenielyn A. Sadang, OIC-EPS-II ng Monitoring and Evaluation, dalawang TAPATAN teams na binubuo ng mga piling Division personnel kabilang ang mga nasa Curriculum Implementation Division, School Governance and Operations Division, at Office of the SDS ang bababa sa mga paaralan sa itinakdang iskedyul.
Hinihikayat ng Dibisyon na makibahagi sa gawaing ito ang GPTA, SPG/SSG, Alumni Association, at mga lider sa barangay o komunidad.


