Project BaBIBu, inilunsad ng DepEd Imus; Pagpapabasa, tututukang mabuti

February 7, 2020 | By: Christian Mespher A. Hernandez
                                Division Information and Action Officer
e-Carscope 2020 at work
HUWAG MAINIP. Pinayuhan ni ASDS Galileo L. Go ang mga guro na huwag mainip at huwag sukuan ang pagpapabasa. Ang mahalaga ay sundin umano ang bawat proseso at bantayan ang progreso ng batang pinababasa. (Larawang kuha ni Marivic Reyes)

Bilang tugon sa hamon ng Kagawaran na 3Bs o Bawat Bata Bumabasa, pormal na inilunsad ng Schools Division of Imus City ang programang BaBIBU o Bawat Bidang Imuseño Bumabasa sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Imus Pilot Elementary School PTA Hall, Enero 17.

Binigyang-diin ni Schools Division Superintendent Dr. Rosemarie D. Torres sa mga superbisor, punungguro at mga guro sa Filipino at Ingles na malaki ang papel na dapat ginagampanan ng bawat isa upang masigurong ang lahat ng mag-aaral ay matutong bumasa.

“It’s not obligation, rather, it is dedication. Learners are in the center of our curriculum. Let us be a blessing to everybody, especially to our learners. We aim to produce learners who can read and comprehend, both in Filipino and English,” ayon kay SDS Torres.

NO READ, NO MOVE

Nilinaw din ng tagapamanihala ng mga paaralan na kung hindi talaga karapat-dapat pumasa ang isang bata ay huwag itong ipasa para lamang “ipapasan” sa mga guro ng susunod na grade level.

“Those who cannot read, do not pass them. Instead, have focus and provide extra time or effort for your non-readers. Use this BaBIBu intervention initiated by our ASDS and monitor the reading progress of our learners. Collaborate also with our parents and other stakeholders,” aniya pa.

PUSO SA PAGPAPABASA

e-Carscope 2020 at work
DEDIKASYON, HINDI OBLIGASYON. Sa paglulunsad ng Project BaBIBu, binigyang-diin ni SDS Rosemarie Torres na ang kailangan ay “total commitment” ng bawat isa upang magtagumpay sa brigada sa pagpapabasa. (Larawang kuha ni Philadelphia G. Peñalba)

Ang BaBIBu ay isang reading intervention para sa mga “struggling readers in English” na inumpisahang ituro sa mga guro ng Kindergarten hanggang Grade 3 ng SDO Imus City noong Setyembre 2019.

Kaugnay nito, ipinatupad ng SDO Imus City ang Pagbasa 2020 o ang paglalaan ng 20 minuto kada araw sa pagpapabasa kada isang batang struggling reader sa loob ng 20 linggo—sapat na panahon upang tuluyang matutong magbasa at umunawa ang mga bata.

Ang naturang istratehiya ay produkto ng deka-dekadang pananaliksik na natutunan ni Assistant Schools Division Superintendent Galileo L. Go sa kanyang pag-aaral sa New Zealand.

Sa isang panayam, sinabi ng katuwang na tagapamanihala ng mga paaralan na bahagi ng pagiging guro ang pagtuturo at pagpapabasa, at hindi sapat na matutunan lamang ang mga konsepto nito.

“Are we in the right direction in terms of teaching beginning reading? We need to operationalize and see how these concepts or principles are being used in the field. Let’s make a difference and the time is now,” hamon niya.

Kabilang sa mga itinuro sa mga guro ang picture-word association, levelling books, skimming and scanning, 200 most frequently used English words in Philippine textbooks, at reading leveled story books.

Sa reading, may lima umanong predictors, ang phonemic awareness, phonics, vocabulary, reading fluency, at reading comprehension.

e-Carscope 2020 at work e-Carscope 2020 at work
PROSESO. Makikita sa mga larawan ang ilan sa mga istratehiya sa pagpapabasa na ginagamit ngayon ng mga gurong Imuseño gaya ng reading leveled story books at rearranging or jumbling of words. (Larawang kuha ni Micaela Rose H. Ninobla)