PATNUGOT NG KAHUSAYAN

October 22, 2026 | By: DepEd Tayo Imus City

Pagpapahalagang pampamumuno, sumentro sa 11th Gawad Patnugot Awards; dalawang kawani ng dibisyon ng Imus, binigyang-parangal

Muling ipinamalas ng Sangay ng Imus ang angat na paglilingkod sa paaralan matapos parangalan ang dalawa nitong kawani sa katatapos lamang na 11th Gawad Patnugot Awards ng Region IV-A Calabarzon.

Itinanghal bilang One of the Outstanding Researcher (non-teaching personnel) si G. June Bence AdelanG. June Bence Adela, habang itinanghal naman na One of the Most Outstanding Special Needs Education Teacher ang guro na si Leidi E. Adem.

Isa sa mga pangunahing binigyang-pansin sa nasabing araw ng parangal ang pagpapahalaga sa paglilingkod para sa ikabubuti ng mga kabataang nakatatamo ng tapat, maayos, at mabusising paglilingkod.

Hindi na bago sa Lungsod ng Imus ang pagiging isa sa mga pangunahing dibisyon na pinaparangalan at binigyang-pagkilala ng Gawad Patnugot sapagkat nakapag-uuwi ng parangal ang sangay taon-taon.

Inaasahang ipagpapatuloy ng Sangay ng Imus at ng mga kawani at guro nito ang angat at inobatibong paglilingkod upang matiyak ang pagtalima sa kabuoang konsepto ng Angat Framework.

#saSDOImusCityAngatKa