Imuseño Journos, sumungkit ng 10 tropeyo sa Pamahayagang Pangkampus
Teacher III, Imus Pilot ES

Hindi nagpahuli ang Imus City Campus Journ Team sa patuloy na pagbibigay-karangalan sa kinabibilangang Rehiyon IV-A CALABARZON na pitong taon nang namamayagpag sa taunang pinakamataas na kumpetisyon sa larangang ng pamahayagang pangkampus na sinasalihan ng 18 rehiyon sa bansa.
Nag-uwi ng 10 tropeyo ang Lungsod ng Imus sa ginanap na National Schools Press Conference (NSPC) ng Department of Education (DepEd) mula Enero hanggang Pebrero 1 sa Lingayen, Pangasinan na may temang “Fostering 21st Century Skills and Character-based Education through Campus Journalism”.
Itinanghal na ikalawang pinakamahusay na publikasyon sa Elementary-English ang The Rice Stalk ng Bukandala Elementary School matapos mapagwagian ang ikalawang puwesto sa Science and Technology Page, ikalimang puwesto sa Best Layout Page, at ikalimang puwesto sa Editorial Page.
Sa katulad na kategorya, kinilala rin bilang ika-apat na pinakamahusay na publikasyon ang The Estoile ng St. Edward Integrated School matapos makamit ang ikatlong puwesto sa Feature Page, Ikalimang puwesto sa News Page at Ika-anim na puwesto sa Editorial Page.
Bukod dito, nakatanggap din ng tropeyo sa ikalimang puwesto sa News Page Elementary-Filipino ang Ang Kaimito ng Imus Pilot Elementary School at ikapitong puwesto sa Sports Page Secondary-English ang The Patriot ng General Emilio Aguinaldo National Highschool.
Kabilang din sa lumahok sa pamahayagang pangkampus ang The Pathfinder ng Carsadang Bago Elementary School at Ora et Labora ng Benedictine Institute.
Naging kinatawan naman si Earl Joseph Fernando ng General Emilio Aguinaldo National Highschool sa Sports Writing Secondary-English.
Samantala, nagpamalas naman ng husay sa National Festival of Talents na may temang “Celebrating Diversity Through the Performance of Talents and Skills for Sustainable Inclusive Education” na ginanap sa Dagupan City, Pangasinan sina Eliza Mei Ongsioco ng Buhay na Tubig Elementary School (Maharlika Annex) sa Sulat Bigkas ng Tula-Sulkas Tula at Miguelito Maaba ng General Emilio Aguinaldo National High School sa Pintahusay